Sa taong 2010 ay ating gugunitain ang Ika-75 taong kamatayan ng isang katangi-tanging bayani sa larangan ng ating bansa. Isang bayaning namuno sa isang pinakamalaking tribu sa buong Cagayan Valley ang mga "Ibanag". Siya'y hindi nagpalit ng kanyang apelyedo, kultura at paniniwalang ang lahing Pilipino ay kayang alpasan ang mga dayuhang naghahari at nagdidikta ng landas ng lahing kayumanggi.
Si Mateo Noriel Luga kasama ng kanyang mga pinsan at iba't ibang tribu ng Cagayan na pinangungunahan ng "Ibanag" ay nagpasyang sumanib sa rebolusyon upang patalsikin ang nuo'y sumasakop sa ating bansa, ang mga dayuhang "Kastila". Matapos nating makamtan ang kalayaan, siya at ang kanyang dalawang pinsan ay pumalaot na muli patungong Bisaya upang itagtag ang pamahalaang Republika ng Pilipinas sa Cebu.
Hindi naglaon ay sumiklab ang digmaang Pilipino at Amerikano. Ang kanyang pamilya ay ginapos at ginawang sangkalan para siya'y manghina at sumuko. Nguni't imbis na manghina siya'y nagpasyang lusubin ang kutang Kano at sinagip ang kanyang mga minamahal sa buhay. Siya'y nagbalik na muli at nakipagdigma sa mga Amerikanong may mas malalakas na sandata at may mga barkong pangdigma sa patas na pamamaraan. Matapos ang pagsalakay, ang mga Amerikano na nuo'y pimamumunuan ni Admiral Dewey ay naglayag paalis ng Cebu. Si Admiral Dewey ay hindi na bumalik na muli sa Cebu mula nuon.
Pagkatpos ng giyerang Pilipino at Amerikano sa pagsuko ni Gen. Aguinaldo, siya'y hinirang bilang konstable upang tugisin ang mga masasamang loob sa Cebu. Siya'y nakaabot ng Mindanao sa pagtugis ng iba't ibat brigada ng masasamang loob. Ang Cebu ay naging isang mapayapang lugar sa kanyang pamumuno. Nguni't sa kadahilanang siya'y hindi sumasang-ayon sa mga polisiya ng di na-aangkop sa kanyang paniniwala bilang isang Pilipino, siya'y tumiwalag sa serbisyo at namuhay ng payapa bilang isang magsasaka kapiling ang kanyang pamilya sa Isla ng Negros.
Sa kanyang paglalakbay upang bumalik sa kanyang bayang sinilangan na matagal niya nang pina-nanabikan, siya'y binawian ng buhay sa Maynila. Hindi na siya naka-uwi sa Tumauini kung saan niya sinimulan ang kanyang pakikibaka. Ang kanyang labi hangang sa ngayon ay hindi pa matunton.
Bilang isang pagpupugay sa kanyang kadakilaan, nais naming ihandog ang "PAGBABALIK" kung saan nagsimula ang kanyang pakikidigma upang makamtan ang kalayaan na ating tinatamasa sa ngayon:
No comments:
Post a Comment